When was the time you lost in one of those battle of words where you could not articulate what you should say if your heart was screaming faster than you could actually say the words? Or how about pointing and stressing a fact and demanding that you have a point but when you analyzed and dissected the words, there's none? Hmmm... Or how about some people slaps you in the face with their good old arrogance only that person could perfectly muster and do? Or how about getting lost in your missery and blaming other people for having so?
Damn! What a fucking bullshit thing to point. Maybe having a point sometimes is not having one at all?
Traveler and wanderer of life and living...contemplating and savoring life's happiness and pain.
Thursday, June 08, 2006
Monday, June 05, 2006
Sunday, June 04, 2006
samut saring karanasan, kapangahasan, katatawanan at kahihiyan
Sa nakalipas na halos isang buwan, talaga namang napakaraming nangyari sa akin na samut saring karanasan. Halos hindi ko mabilang at maalala lahat...o pilit huwag alalahanin ang mga bagay na nakaapekto sa akin o kahit man lang nakapagbigay ng impresyon, pangit man o maganda. Sisimulan ko sa pagsali ko sa isang Linggong training/seminar on HIV Peer Education 101. Tama ka...isa nga itong training tungkol sa sakit na HIV...kung papaano ang tamang pananaw, scientifically at paano ang tamang approach in a more humane way ukol sa sakit na HIV at AIDS. Isinali ako ng aking kliyente at naging kabibigan na si Joshua, na siya ring President/CEO ng NGO na ginawan ko ng process documentation sa mga lalawigan ng Eastern Samar at Bohol noong nakaraang January 29 hanggang February 15 sa proyekto ng UNFPA. Aaminin ko na bago ang nasabing proyekto, kahit pa man din alam ko ang paraan kung papaano nakakahawa ang sakit na ito, hindi pa rin maiwasan na ma-freak out ang lola mo. Inimbita ako ni Joshue sa christmas party ng NGO noong nakaraang taon at hindi ko inakala na ang ilan o karamihan sa mga nagsipagdalo sa kasiyahan ay may HIV. Na-schock ako? Hindi masyado pero oo. Kaya hindi rin ako gaanong nagtagal sa party ay sumugod ako sa opisina na aking kaibigan na isang editor ng Manila Bulletin. Doon, sa harap ng mga bola at tako ng bilyar, ibinuhos ko sa kanya ang aking pagkagulat at pagkapahiya sa sarili dahil hindi ko pa rin pala basta-basta maiaalis ang hibo ng diskriminasyon. Nakakahiya.
Mula noon, nagsumikap ako na baguhin ang aking pananaw hanggang sa simulan ko na nga ang aming proyekto sa pagdodokumento ng mga activities ng nasabing NGO.
Balik tayo sa HIV Peer Education 101. Doon, karamihan uli sa mga dumalo ay mga affected families at mga HIV infected din. Kakaunti lang kami o sabihin na nating dalawa lamang kaming participants sa isang Linggong seminar na walang HIV o walang kamag-anak na meron nito. Pero, natutuwa na rin ako sa aking sarili dahil masasabi kong tanggap ko na ng buong-buo ang harsh reality ng ito. Sa sking mga nakasalamuha, mas napalalim ang aking pang-unawa sa human nature...maybe psychology o kung ano pa mang dapat pag-unawa ang dapat gawin. Hindi sa binibigyan ko ng espesyal na pagtingin ang mgamaysakit ng HIV kundi sa pangkalahatan. Mas madali kong naarok ang mga pinaghuhugutan ng kanilang kinakaharap ng mga challenges sa buhay.
Pagkatapos naman ng isang Linggo at halos isang araw lamang na pahinga, nagsimula naman ang 7th UST National Writer's Workshop. Dito, halos araw-araw na katayan ng mga isinulat namin ang nangyari. Mayroong may nagkumento ng pahaplos, meron din namang suntok. Pero ano pa nga ba ang aasahan mo sa ganoong workshop? Mapalad kami at nakadaupang palad namin ang mga kilala na sa panulat na sina Dr. Cirilo F. Bautista, Manolito Sulit, Michael Corosa, Victor Torres, Nerissa Guevarra, Lourd De Veyra (si cursh), Eros Atalia (ang aking kaklase) at Dr. Ofie Dimalanta. Natuwa ako ng labis dahil nagustuhan ni Dr. Bautista ang aking isimulat na 'Biyahe' at 'Ang mga Bubuwit sa Flytrap'. Nagkaroon pa ng kaunting comparison sa istilo ng panulat ni NVM Gonzales ang aking 'Biyahe' dahil sa parang walang nangyayari sa plot pero maraming nangyayari sa karakter. Naka-set lamang ang kwento sa istasyon ng bus at sa paghihintay ng karakter uminog ang kwento. Doon pa lang sa workshop at gustong ko nang pamulahan ng mukha hindi sa hiya kundi sa hindi mapigilang tuwa. But of course, I may not be able to show it openly. At noong nakaraang Linggo, May 28, isinulat ni Dr. Bautista sa kanyang column na Breaking Signs sa Panorama ang kaganapan ng nasabing workshop at doon naulit ang magagandang sinabi tungkol sa aming mga gawa at hindi ko na itatagong sobra akong natuwa.
Pagkatapos ng writer's workshop, sumunod naman ang proyekto sa UNESCO. Kinuha ako ni Dr. Isagani Cruz bilang production assistant sa WOW Philippines para sa mga dayuhang delegado sa Theater Olympics of the Nations (TON). Ngunit pagkaraan ng halos isang Linggo, inilipat ako ni Dr. Cruz sa isang kritikal na trabaho--ang mag handle ng publicity ng (TON). Syempre, sunggab ako sa trabaho hindi lamang sa prestihiyosong event ang mangyayari kundi dahil na rin sa mas malaki ang kabayaran. At tulong ng ilang mga kaklase, lalo na ang mga kapatid at kaibigan sa STAG, nakapagimbita ako ng mga media mula sa print at broadcast. Sa tulong ni Edward, nakapag-live coverage kami sa Unang Hirit at nakapagpaunta ako ng apat na theater group, tatlong lokal at isang dayuhang grupo. Masaya. Ngunit, sa kabuuhan, bilang isang alagad ng teatro na kung saan ako nahubog noong kolehiyo, ang nangyaribng event ay hindi masyadong maganda. Akalain mo, sa gitna ng isang dramatic scene...kahit pa amn sabihing nasa five minute break lamang ang palabas ay may maglalabas ng plakard para ianunsiyo ang dinner ng mga dayuhang delegado...ano ito? Isang variety show?
Natapos ang event noong May 28 at pagkaraan lamang ng dalawang araw ay lumabas naman ang aking pangalan sa column ni Dr. Cruz. Nakakatuwa ang kanyang pasasalamat ngunit mas nakakatuwa sana kung tama ang spelling ng aking pangalan. SIGH.
Ngayon...eto ako. Pagkaraan ng halos isang Linggo ay napakarami nang pending na trabaho sa ibang mga kliyente na hindi ko masyadong nabigyan ng pansin dahil sa UNESCO.

Subscribe to:
Posts (Atom)